Salawikain,

mga ginintuang gabay

sa pamumuhay


Salawikain,

mga buhay na araling

pamana


Salawikain

ay isadiwa at sikaping

ipamuhay


Salawikain,

yamang hiyas nitong ating

kultura


Ang hindi marunong

lumingon sa kanyang

pinaggalingan

ay hindi rin makararating

sa paroroonan


Ang hindi marunong

magmahal ng kanyang

sariling wika

ay mas masahol pa'ng

amoy sa isdang malansa