Sa wangis ng Dios

tayo ay ginawa

Sa Biblia't Koran,

Alamat, Haraya


Aniya ni Hesus,

Allah at Bathala

Paglingkuran,

Mahalin ang kapwa


Sa sangnilikha

maging pagpapala

Mamuhay ika

bilang halimbawa


Ang pananampalataya'y

sa gawa

Mangyari nawa,

O Mangyari nawa