Sa bayan ng lola't lolo

kami minsa'y nagbakasyon

Nakadaupang palad ko

ang kadugo't karelasyon


Biyenan ang turing ni tatay

dun sa nanay ni nanay

na ang tawag ay balae

dun sa tatay ni tatay


Tsiki-tsiki-tsing

Tsiki-tsiki-tsing

Tsiki-tsiki-tsiki-tsing-tsing

tsing-tsing-tsing


Mga kapatid ni ina

ay tiyahi'y tiyuhin ko raw

Ngunit ayon kay ama

ay mga hipag niya't bayaw


Kala ko nanloloko,

lolo niya ang lolo ko

Sabay nagmano sa noo,

kami pala'y pinsang buo


Tsiki-tsiki-tsing

Tsiki-tsiki-tsing

Tsiki-tsiki-tsiki-tsing-tsing

tsing-tsing-tsing


Ya'y unang araw pa lang

sa nayon ng ninuno ko

Ang aming angkan

hanggang tuhod,

talampakan at kuko


Nang kami na'y pabalik

isang libo ang humalik

Dahil kamag-anak ko

halos ang buong baryo