Pataasan

Pasigaan

Patigasan

Pasindakan


Yan na raw ang

pamantayang

kasanayan na


Pahigitan

Palamangan

Pasikatan

Payabangan


Yan na raw ang

nahirati

datirati pa


Laging sinasabing

iba kami sa iba

Sinasabi laging

angat sa kanila


Paano babaguhin

Paano nga kaya

Kung panatilihing

Nakagawian na